With nothing to do when I got home from work early today, I decided to clean my mess of a study table. Going through the drawer I came across the journal that I kept under lock and key. I've almost forgotten about it. My heart skipped a beat as I opened it with its key, knowing full well that opening it and reading past memories would rekindle some small amount of sadness, guilt, and anger.
I was flipping through its pages when I my eye caught the thick red pen writing. I opened it and I was transported back to the year 1999. Argh.
Had a knack for using the vernacular for poems, essays and journal entries. I love the fluidity of Tagalog prose and sentences, of how it comes together to form a thought. Hmm. Maybe I should write my next entries entirely in Tagalog. Anyway - I digress.
I'm very candid about my life in this blog, but this is nothing compared to what I have written in my journals. They contain the inner workings of my true self.
At the end of this entry, permit me to use the vernacular for my closing remarks.
Read on...
"Para akong pinagbuhatan ng kamay ng tadhana, pinagtatawanan ng panahon. Pinagsasaluhang apakan ng mga mababangis ngunit tahimik na mga katauhan ang pag-asa kong makakita ng liwanag.
Alam kong malaki ang pagkakasala ko sa Kanya. Naging masama akong tao sa saglit na panahon na iyon. Binigyan niya ako ng isang suliranin na akala ko nuon ay napakadaling desisyunan. Ngunit ng iniharap Niya sa akin ang guhit na maaaring ikabago ng buhay ko, nagawa ko ang hindi ko inaasahan. Naunahan ako ng takot at kaba. Walang pinakinggan at pinagkatiwalaan. Tinalikuran ko ang nag-iisang taong alam kong lubos akong aalalayan at aalagaan.
Lubos kong pinagsisihan at pinagsisisihan ang kamalian ko. Gabi-gabi ako kung humingi ng tawad sa Kanya.
Pero pinalibutan ako ng mga taong hindi nakikiramay sa aking pagbangon. Pilit pa nilang ibinabaon ang pagkatao ko sa isang malalim na hukay na puno ng poot at pag-aalinlangan.
Wala nang makakatulong sa akin. Lahat ng nag-alay ng kanilang kamay sa pangako na ako'y tutulungan upang makabangon ay lumisan na rin.
Nag-iisa sa gitna ng magulo at makasarili na mundong kinagagalawan ko. Nakabitag sa isang hawla, pinagkait sa akin ang liwanag at init.
Pinabayaang matuto mag-isa. Pinabayaang masaktan. Hinayaang maghikahos.
Sinubukan kong ibaon sa limot ang nakaraan ngunit hanggang ngayon ay pasan ko ang nakalipas na masalimuot.
Kailan ba matatapos ang sakit? Kailan daraan ang paghihinagpis?
Mas mahusay ngang humimlay na lamang ako. Maghihintay sa ilalim ng takip-silim sa isang pangakong mabuhuhay akong muli."
Pagkatapos basahin ang mga talatang ito isa lang ang masasabi ko:
Salamat na lamang ako'y nakabangon. Sa kasalukuyan, ako'y hangal pa rin ngunit kasabay nito ako'y mas masidhi, mas mapusok, mas maalam, mas malakas at pinatibay ng tadhanang tinahak ko.
11 comments:
whoa! ang lalim mo rin palang magsulat in tagalog ah. :)
nweiz, i must say u really have a way with words. swak na swak lagi mapa-english or tagalog and medium mo. keep it up! :D
"Salamat na lamang ako’y nakabangon. Sa kasalukuyan, ako’y hangal pa rin ngunit kasabay nito ako’y mas masidhi, mas mapusok, mas maalam, mas malakas at pinatibay ng tadhanang tinahak ko."
i dunno why but kinilabutan ako nung mabasa ko yan. probably because of the word "mapusok"? haha kidding! :P but really, kinilabutan ako.
but i'm glad u've picked up the pieces again. :)
@barenaked aka jill: Hehe. Mapusok meaning passionate, not necessarily being careless. Well, for me ah.
Ang ganda ng Tagalog diba? Yung fluidity ng words palaging masarap pakinggan, ang lamig sa tenga.
Yeah, maybe I should write more in Tagalog for my future entries...
:p
And yes, I'm glad, too. =)
huway sopya. ay did nat now yu had it in yu.
@quentino: oh, many secrets, i have ;)
like that leather underwear with metal studs?
*ooh kinky*
you are blessed with the talent of writing in english AND tagalog.
i have a hard time expressing myself in tagalog the way you did. pati nga boss ko napagalitan ako kasi i always use sya instead of the spelled out siya. ilang ulit akong pinalalahanan bago ko ito naitama. @_@
wow lalim. di ko na-arok. :)
@quentino: oh those too :p
:lol:
@prettytwinnie: Nagblush ako dun ah. Hehe. :*)
I've always seen writing, whether in English or Tagalog, as an outlet for my woes and rants. Very much like my dancing. If I'm going to write, or dance for that matter, I might as well do it with all the passion I can muster.
It gets me worked up at times. Hehe.
Kakaiba ka tlaga. Iboboto kita next election. Magkadikit tlga bituka ntin.
I am really really wasting so much time reading other ppl's blog.. and now, i'm invading yours ;P Miss you bru!
@soul sister: Bru, miss na kita. Nakapag-leave nako for Galera. Woohoo!
Sayang ipapa-rehistro kita samin pero ayoko na ng pulitika! :lol: Miss you!
laling mong magtagalog sis. Your a writer by heart talaga...!
@apple: hey, apple! thanks :) You take care...
Post a Comment