Friday, July 29, 2011

Biyernes.

Minsan talaga mapapaisip ka kung yung mga naging desisyon mo sa buhay, sa pag-ibig, sa trabaho – ay tama. Minsan pa napapa-iling ka. Hindi ko pinagsisisihan ang desisyon ko, pero minsan talaga...

Hindi ko na alam kung ang nararamdaman ko ay galit o inis. Basta ang alam ko hindi ko gusto yung pakiramdam na nagugulo. Siguro kasi nuon, bawat salita na lumalabas sa bibig ko ay napagiisipan ko muna bago ko siya mabigkas. Itong mga nakaraang buwan, bigkas na lang ako ng bigkas kaya yung mga ayaw ko masabi nailalabas tuloy ng bibig ko.

Ang hirap magbago. Pero kailangan. Hindi maganda ang pakiramdam. Pero dapat.

Sa ikakasaya ng minamahal.