Thursday, February 24, 2005

Tama na.

How can I be so goddamn freaking stupid? I believed everything that was said to me. That was presented to me. And I fell for the whole shebang. Ano ako? Pam-practice for the real thing?

Ayoko ng masaktan. Ayoko ng mahulog. Sawang-sawa na ko bumangon. Tangina. Ilang beses ba kong kailangan masaktan para matapos natong kahirapan na to? Oo, naga-assume nako na meron pa rin siyang ibang mahal kasi gusto ko, pag-nalaman ko, handa ako. Oo, masama ang loob ko kasi hindi ko alam kung saan ako lulugar. Hindi ko alam ang gusto niya sa akin. Oo, umiiyak ako ngayon kasi nasasaktan ako, kasi sinungaling ka, tangina ka!

Sana maging bato na lang ang puso ko. Sana. Pero mukhang malapit na. Nararamdaman ko na ang paghigpit, ang pagtigas.

Simple lang naman ang gusto ko sa buhay eh. Mababaw lang ang kaligayahan ko.

Pagbigyan Mo naman ako.